Mag live-in partner, timbog sa buy-bust

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2018 10:56 PM

Sa bahay ng mag live-in partner isinagawa ang transaksiyon, ayon sa pulisya, kung saan nakarekober din ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia. Silay City Police

SILAY CITY, Negros Occidental – Timbog ang mag live-in partner sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay 2 sa Silay City, Negros Occidental nitong Miyerkoles ng hapon.

Nakuha mula sa mga suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa P180,000. 

Naganap umano ang transaksiyon sa bahay ng mga suspek.

Ayon sa pulisya, nakuha rin nila sa mga suspek ang 10 tooter at disposable lighters.

Dagdag pa ng awtoridad na dating drug surrenderer ang lalaking suspek at nasa drugs target list naman nila ang babaeng partner nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.