Lalaki, kinakasama timbog sa buy-bust sa Negros Occidental

Barbara Mijares, ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2018 06:50 PM

photo by Barbara Mijares, ABS-CBN News

SILAY CITY, Negros Occidental - Timbog ang isang lalaki at ang kanyang kinakasama matapos mahulihan umano ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya, Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa pulisya, aabot sa P180,000 ang halaga ng hinihinalang shabu na nakuha sa mga suspek. Nakuha rin mula sa kanilang bahay sa Barangay Dos ang 10 tooter at ilang disposable lighters.

Batay sa record ng mga awtoridad, dati nang sumuko sa pulisya ang lalaking suspek dahil din sa droga, samantalang nasa narco-list naman nila ang kinakasama nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.