13 anyos, nalunod sa ilog sa Ilocos Norte

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2018 11:01 PM

Nalunod ang isang 13-anyos na lalaki sa ilog sa bayan ng Banna, Ilocos Norte nitong Miyerkoles ng tanghali.

Kasama ni Adrian Tabaniang ang apat na kaklaseng pumunta sa ilog upang mananghalian at maligo.

Base sa imbestigasyon, naliligo ang biktima sa mababang bahagi ng ilog at maaring nadulas kaya napunta sa malalim na bahagi.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang Grade 9 student, ayon kay Senior Insp. Artemio Clemente.

Ayon sa pamilya ng biktima, hindi ito marunong lumangoy.

"Kusa siyang sumama, ayaw nila pasamahin pero nagpumulit, masakit pero need tanggapin," ayon sa lola ng biktima.

Wala namang sinisisi ang pamilya ng biktima sa nangyari dahil ito daw ay isang aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.