MRT, nakaranas ng technical problem sa Shaw Boulevard

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2017 09:42 AM

Pinababa ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) sa Shaw Boulevard Station southbound matapos na magka-aberya ang tren Miyerkoles ng umaga.

Alas-8:20 ng umaga nang pababain ang mga pasahero dahil umano sa technical problem na naranasan ng tren.

Ito na ang ikalawang beses na nagka-aberya ang MRT ngayong umaga.

Naunang naitala ang aberya kaninang 5:22 ng umaga kung saan pinababa rin ang mga pasahero sa Boni Avenue, southbound, dahil rin sa technical problem.

Martes ng hapon naman, dalawang beses nagka-aberya ang tren at pinababa ang mga pasahero sa Magallanes Station alas-11:06 ng umaga at 3:56 ng hapon sa Quezon Avenue station.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.