Mag-asawa patay matapos madaganan ng puno ng Balete

RJ Rosalado, ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2017 05:52 PM

Bumagsak ang isang puno ng Balete sa bahay ng pamilya Sajili at nagdulot ng pagkamatay ng mag-asawa.

ZAMBOANGA CITY - Patay ang mag-asawa matapos madaganan ng puno ng Balete ang kanilang bahay sa Barangay Sinunuc, Zamboanga City nitong Miyerkoles.

Kinilala ang mag-asawa na sina Nasser at Nasilin Sajili. Ligtas naman ang kanilang mga anak matapos hilahin palabas ng mga kapitbahay.

Nailabas mula sa gumuhong bahay ang mister na si Nasser at naisugod sa ospital ngunit binawian din ito ng buhay.

Bukod sa bahay ng pamilya Sajili, dalawa pang bahay ang nadamay sa pagbagsak ng puno dulot ng malakas na hangin at ulan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.