Lalaki pinatay sa bidyo karerahan sa Tondo

April Rafales, ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2017 10:00 AM

MAYNILA - Patay ang isang lalaki nang pagbabarilin sa isang bidyo karera sa Delpan, Tondo, Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon sa mga taga-Barangay 13, nagising sila nang makarinig ng 4 na putok ng baril bandang alas-2:30 ng madaling araw.

Sarado na umano ang puwesto ng mga oras na ito at ginagawa na lang tambayan o tindahan sa araw. 

Kinikilala pa rin ng mga awtoridad na hinala nila ay dayo gayung di kilala ng mga residente sa lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.