Call center agent sugatan sa banggaan ng motorsiklo at kotse

Berchan Louie Angchay, ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2017 08:51 AM

DAVAO CITY - Hindi na maigalaw ng 24-anyos na babae ang kanyang katawan nang tumilapon siya sa sinasakyang motorsiklo matapos na mabangga ng kotse Martes ng gabi.

Base sa imbestigasyon, angkas sa motorsiklo si Yvonne Jeanette Mako at papasok sa trabaho bilang call center agent nang makasalubong nila ang isang kotse sa intersection.

Depensa ng driver ng kotse, mahina lang ang kanyang takbo at hindi niya namalayan ang pagtawid ng motor.

Ayon naman sa mga nakakita, matulin ang takbo ng kotse at sinasabing nakainom ang driver.

Agad na dinala sa ospital si Mako habang wala namang natamong sugat ang dalawang driver.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.