Bangkay ng lalaki natagpuan sa QC

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2020 09:43 AM

MAYNILA - Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa Mindanao Avenue Extension sa Barangay Greater Lagro sa Quezon City, madaling araw ng Sabado.
 
Ayon sa Fairview Police Station, wala pang pagkakakilanlan ang biktima na may mga tama ng bala sa katawan.

Base sa isang mangangalakal sa lugar, nakarinig siya ng mga putok ng baril pasado ala-1 ng madaling araw.
 
Agad naman rumesponde ang mga taga-barangay pero katawan na lang ng biktima ang kanilang nakita.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang biktima at ang salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.