DAVAO CITY—Lumikas ang isang lalaki nang yanigin ng lindol ang siyudad Miyerkoles ng gabi.
Umalis si Daniel Miranda dahil sa takot na magka-tsunami, pero pagbalik niya ay abo na lamang ang kaniyang nadatnan sa kanilang bahay sa Barangay Dumoy.
"Pagbalik ko, wala na. Abo na. Wala na ngang usok," aniya.
Kuwento ng kaniyang kapitbahay na si Victoriano Diunsay, nagsimula ang apoy sa may kusina.
"Nilamon ng apoy ang kurtina kaya lumaki ang sunog," aniya.
Electrical short circuit ang nakikitang sanhi ng insidente.
"Posible na may koneksiyon sa lindol pero sa ngayon ay iniimbestigahan pa ang nangyari," ani FO2 Nicanor Hernandez Jr. ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Tinatayang nasa P250,000 ang danyos sa insidente.—Ulat ni Claire Cornelio, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Regional news, Tagalog news, TV PATROL, fire, blaze, earthquake, quake, tremor, temblor, Davao City, Tulunan, North Cotabato