Ilang lugar sa Mandaluyong City, Rizal mawawalan ng tubig hanggang Oct. 18

ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2019 07:02 PM

MAYNILA — Nag-abiso nitong Huwebes ang water concessionaire na Manila Water na mawawalan ng tubig ang kanilang mga sineserbisyohan sa Mandaluyong City at ilang bayan sa Rizal simula ngayong gabi hanggang Biyernes ng umaga.

MANDALUYONG CITY:

  • Barangay Hulo → Oktubre 17 (Huwebes), 10 p.m. hanggang Oktubre 18 (Biyernes) 6 a.m.

RIZAL:

  • Barangay Sto. Nino, Cainta → Oktubre 17 (Huwebes), 10 p.m. hanggang Oktubre 18 (Biyernes) 4 a.m.
  • Ilang lugar sa Angono → Oktubre 17 (Huwebes), 10 p.m. hanggang Oktubre 18 (Biyernes) 4 a.m.
  • Ilang lugar sa Binangonan → Oktubre 17 (Huwebes), 10 p.m. hanggang Oktubre 18 (Biyernes) 4 a.m.


Ito'y bunsod umano ng naka-schedule na maintenance activities sa mga nasabing araw.

Pinapayuhan ang mga residente na mag-ipon ng sapat na tubig na tatagal hanggang sa nasabing oras.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.