Binata arestado matapos umanong manghalay ng batang lalaki sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2019 11:15 PM

CEBU—Arestado ang isang binata matapos umano niyang halayin ang isang 5 anyos na lalaki sa Consolacion, Cebu.

Ayon sa ama ng biktima, umuwing umiiyak ang bata sa kanilang bahay Martes ng umaga.

Sa sumbong ng bata, ginahasa umano siya ng 18 anyos na suspek na kapitbahay nila.

Inamin ng suspek ang krimen at nagsisisi siya sa ginawang kalaswaan. Gumamit umano siya ng droga bago nangyari ang insidente.

Base sa resulta ng medical examination, positibong ginahasa ang bata.

Nakakulong ang suspek sa Consolacion Police Station at nahaharap sa kasong rape.—Ulat ni Jude Torres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.