Bagong silang na sanggol natagpuang patay sa gilid ng kalsada sa Negros Occidental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2019 06:55 PM

Isang bagong silang na sanggol ang natagpuang patay sa gilid ng daan sa Talisay City, Negros Occidental nitong Miyerkoles, Oktubre 16, 2019. Kuha ng Talisay City PNP

Isang bagong silang na sanggol ang natagpuang patay sa gilid ng daan sa Talisay City, Negros Occidental nitong Miyerkoles.

Ayon sa awtoridad, dalawang lalaki ang nakakita sa bata, na nakabalot sa manila paper at packaging tape sa Barangay Zone 15 ng nasabing lungsod. 

Dinala sa city health office ang sanggol pero idineklara na itong dead on arrival.

Posibleng isa hanggang tatlong araw pa lamang mula ng kapanganakan ang nasawi na sanggol, ayon sa city health office.

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang responsable sa pag-iwan sa sanggol.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.