2 lalaki na nagbebenta umano ng shabu 'rocket' sa dating app, timbog

ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2019 07:08 AM | Updated as of Oct 17 2019 07:44 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Arestado ang isang nurse at kaniyang kasamahan sa buy-bust operation sa Barangay Bagumbuhay, Quezon City Miyerkoles ng gabi.

Nagbebenta umano ng hinihinalang shabu ang mga suspek gamit ang isang dating app, ayon sa pulisya.

Gumagamit din umano ng ibang tawag sa droga ang mga suspek para hindi sila mahalata.

"Tawag nila missile or rocket," ani Police Lt. Col. Jeffrey Bilaro ng Project 4 Police Station.

Nasamsam sa mga suspek ang 2 sachet ng umano'y shabu. Todo tanggi naman ang mga ito.

"'Di po ako nagbebenta," pahayag ng isang suspek.

Sasampahan sila ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.