Tricycle driver, patay sa aksidente

Micaella Costales Ilao, ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2018 09:25 AM

STA CRUZ, Ilocos Sur – Patay ang isang lalaki matapos sumalpok ang minamaneho nitong tricycle sa isang SUV, Martes ng gabi sa nasabing bayan.

Base sa imbestigasyon, nakainom ang tricycle driver na si Marlou Gamalog.
 
“Base doon sa skid mark, pumunta siya sa kabilang lane tapos sumalpok sa SUV,” ayon kay PO1 Lemuel Janerol.

Tumanggi naman magbigay ng pahayag ang driver ng SUV.

Pero sa interview ng mga pulis sa kaniya sinabi nito na mabilis ang pagpapatakbo ng tricycle at bigla umano nitong sinalubong ang kanilang sasakyan.

Posible pa ring maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng SUV.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.