MAYNILA—Isang SUV ang nawalan ng kontrol sa loob ng parking lot ng isang ospital sa Bonifacio Global City, Taguig, nitong Miyerkoles, dahilan para banggain at gibain nito ang isang pader papasok sa elevator area.
Sa inisyal na impormasyon mula sa traffic sector ng Taguig, galing ang sasakyan sa basement 4 parking ng St. Luke's Medical Center.
Ang sangkot na sasakyan ay isang Mitsubishi Montero Sport na may plakang NBP 2262, at minamaneho ni Johann Dizon, 53.
Mga larawan mula sa Taguig City Traffic Sector

Sa CCTV footage, bandang alas-7:30 ng umaga Miyerkoles, makikita ang pagharurot ng sasakyan galing parking papasok sa elevator area.
Sa lakas ng impact nito, nabaklas ang pinto at nawasak ang bahagi ng pader sa nasabing area.
Wala namang nasaktan sa insidente, maski ang driver ng sasakyan.
Hindi pa alam ang sanhi ng biglang pagharurot ng sasakyan, dahil hindi pa nai-interview ng pulisya ang driver na umuwi muna dahil may sinundong pasyente. — Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, BGC, Taguig, St Lukes Medical Center, SUV, Mitsubishi Montero, site only, slideshow