Sunog, sumiklab sa Zamboanga

ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2018 06:05 AM

ZAMBOANGA CITY - Nasunog ang nasa 10 bahay sa Barangay Canelar, Zamboanga City Miyerkoles ng madaling-araw.

Base sa paunang ulat, sumiklab ang sunog bandang alas-3 ng madaling-araw.

Kaniya-kaniyang diskarte ang mga residente para maisalba ang kanilang mga gamit habang ang ilan ay halos walang nadala.

Kuwento ni Flora Solente, malaki na ang sunog nang gisingin sila ng kanilang mga anak.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. - ulat ni Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.