Pulisya inutusang bantayan ang mga armadong grupo sa Negros Occidental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2018 09:01 PM

Kasunod ng pagtatapos ng paghahain ng certificate of candidacy ng mga balak tumakbo sa susunod na eleksyon, nagsimula na rin ang Negros Occidental Police Provincial Office sa pagsubaybay sa mga gun-for-hire at pribadong armadong grupo na posibleng gamitin ng mga kandidato sa kanilang kampanya.

Ayon kay Negros Occidental Police Provincial Office spokesperson Senior Insp. Aireen Cordua, nakatanggap na sila ng utos mula sa Philippine National Police headquarters na buwagin ang mga private armed groups sa isang lugar kung sakaling mapatunayan ito.

Dagdag pa ni Cordua, kabilang rin sa kanilang paghahanda para sa eleksyon ang kampanya laban sa hindi lisensyadong mga armas.

Kasama ng pulisya sa kanilang kampanya ang Philippine Army na siyang inatasan ng Commission on Elections (Comelec) sa pagpapanatili ng kapayapaan sa eleksyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.