Negosyante timbog sa buy-bust sa Bacolod City

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2018 08:45 PM

BACOLOD CITY - Timbog ang isang negosyante sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod na ito Martes ng gabi.

Siyam na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P120,000 ang nakumpiska sa suspek.

Giit nito, itinanim lamang umano ng pulisya ang ilegal na drogang nakuha sa kaniya. Sinaktan rin umano siya ng mga pulis na kasama sa operasyon.

Paliwanag naman ni Insp. James Albaytar, team leader ng City Drug Enforcement Unit ng Bacolod City Police, nanlaban ang suspek kaya't kinailangan nilang pakalmahin ito.

Pagbebenta ng itlog ang negosyo ng suspek pero ayon sa pulisya, nagbebenta rin ito ng ilegal na droga sa Barangay 27 sa Bacolod City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.