Anak ng dating alkalde, patay sa raid sa Iloilo

Jennifer Garcia, ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2018 09:45 AM | Updated as of Oct 17 2018 01:35 PM

Watch more in iWantTFC

SARA, Iloilo (UPDATED) - Dalawa ang patay sa magkahiwalay na raid sa mga bahay ng pamilya ng dating alkalde ng bayan sa Barangay Poblacion Ilawod dito, Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ricky Salcedo at pamangkin nitong si Nixon Salcedo Jr. Si Ricky ay isang dating pulis at anak ni Neptali Salcedo, ang dating alkalde ng bayan.

Nabaril si Ricky sa kaniyang bahay matapos manlaban umano sa mga pulis. Sa bahay naman ng kaniyang lolo napatay si Nixon.

Hindi pa makapagbigay ng pahayag ang pulisya hinggil sa detalye ng pangyayari dahil isinasailalim pa sa imbentaryo ang mga narekober mula sa mga bahay ng mga napatay.

Sa inisyal na impormasyon, ang isinilbing search warrant ay tungkol sa umano'y hindi lisensiyadong mga baril na pagmamay-ari ng mga Salcedo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.