University of Cebu, may pasok ngayong Martes

ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2017 06:06 AM

Sa kabila ng anunsyo ng pamahalaan na walang pasok sa mga paaralan sa lahat ng antas sa buong bansa ngayong araw, tuloy pa rin po ang klase sa University of Cebu.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Chancellor Candice Gotianuy ng University of Cebu na huli na para abisuhan ang lahat lalo't alas-diyes y medya ng gabi na lumabas ang anunsyo ng Malacañang.

Giit pa ng chancellor, tuloy ang pasok dahil hindi naman lalahok sa transport strike ang Cebu.

Marami pa umano silang dapat gawin.

"Please be informed that classes resume on Tuesday, 17 October. Malacañang's announcement of suspension came at 10:30pm, Monday. Too late to disseminate. Also, per news sources, Cebu will not be joining in the strike or will have it at a minimum. Classes resume. There is much to do," ani Gotianuy. 

"Everyone, relax. We will be fielding our UC buses tomorrow to pick you up. You have exams and we want finish the semester on time. After that you can play DOTA," dagdag niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.