Number coding scheme, suspendido muli ngayong Martes

ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2017 11:48 AM | Updated as of Oct 17 2017 12:00 PM

Mananatiling suspendido ang number coding para sa mga pribado at pampublikong sasakyan ngayong Martes, Oktubre 17, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ito'y para makatulong sa mga pasahero at empleyado ng mga pribadong kompanya na apektado ng tigil-pasadang idinadaos ng mga tsuper ng jeep.

Kaugnay nito, sinuspinde muli ng Malacañang ang trabaho sa gobyerno at pasok sa lahat ng antas sa mga paaralan sa buong bansa.

Suspendido rin ang trabaho sa Senado at mga korte sa buong bansa.

Layunin ng ikinasang tigil-pasada ng mga tsuper at operator ng jeep na ipahayag ang kanilang pagtutol sa programang jeepney modernization ng pamahalaan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.