Residential area sa Cainta, nasunog

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Oct 16 2020 11:46 PM

MAYNILA - Natupok ng apoy ang isang residential area sa East Bank Road, Floodway, Cainta, Rizal nitong Biyernes.

Ayon sa Cainta BFP, nagsimula ang sunog pasado alas-8 ng gabi at umabot sa ikalawang alarma.

Naapula ang sunog matapos ang humigit-kumulang dalawang oras.

Wala namang naiulat na sugatan o nasawi.

Iniimbestigahan na ang sanhi ng sunog. 

Inaalam pa rin kung ilang pamilya ang naapektuhan at halaga ng pinsalang dulot ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.