Binatilyo, 2 iba pa timbog sa QC buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Oct 16 2019 05:12 AM | Updated as of Oct 16 2019 10:43 PM

MAYNILA—Arestado sa Barangay Payatas, Quezon City Martes ng gabi ang 3 lalaki dahil umano sa pagbebenta ng hinihinalang shabu.

Kabilang sa mga nahuli ay may edad 15 na ginagamit umano para mapabilis ang bentahan ng droga sa lugar.

"Ginagamit 'yong menor, binebentahan mga tricycle drivers dito," ani Police Lt. Arnel Araojo ng Batasan Police Station.

Tumanggi naman ang 2 lalaki na sangkot sila sa pagtutulak.

"Pinapatago lang sa'kin," depensa ng isang suspek.

Nasamsam sa kanila ang higit P70,000 halaga ng umano'y shabu.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.