5 tindahan naabo sa sunog sa Davao del Sur

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Oct 16 2019 12:43 AM

Limang pwesto ang natupok ng isang sunog sa bayan ng Kiblawan, Davao del Sur nitong Martes, Oktubre 15, 2019. Aabot sa P2 milyong pinsala ang iniwan ng sunog.

KIBLAWAN, Davao Del Sur - Naabo ang limang tindahan sa Barangay Poblacion dito sa bayan Martes matapos ang isang sunog na nag-iwan ng aabot sa P2 milyong halagang pinsala.

Ayon sa ilang testigo, sinubukan ng isa sa may-ari ng tindahan na apulahin ang apoy gamit ang fire extinguisher ngunit 'di na ito naagapan.

 

Mabilis na kumalat ang apoy dahil luma na ang gusali at gawa ito sa kahoy.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagmula ang apoy sa isang bakery. Electrical short circuit o naiwang nakasaing ang tintingnang dahilan ng BFP sa sunog.

Bukod sa bakery, naabo rin sa sunog ang isang botika, meat shop, agrivet supply at pwesto ng isang cable company.

Paalala ng BFP sa mga nasunugan na agad i-report kung may nakitang apoy o usok para agad nilang maapula ang apoy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.