SUV na minamaneho ng lasing na guro, sumalpok sa bahay

RJ Rosalado, ABS-CBN News

Posted at Oct 16 2018 09:02 AM

Unang sumalpok sa isang vulcanizing shop ang SUV na minamaneho ng isang lasing na guro bago tuluyang tumama sa isang bahay sa Zamboanga City.

ZAMBOANGA CITY – Isang bahay ang nasira nang salpukin ito ng SUV na minamaneho ng isang guro na galing sa inuman, Lunes ng gabi.

Pauwi na sana ang guro mula sa isang inuman nang maganap ang aksidente.

Sabi ng guro, nawalan siya ng kontrol sa manibela ilang minuto matapos niya itong paandarin.

Tumigas umano ang manibela at hindi kumagat ang preno.

Dumerecho ang sasakyan sa isang vulcanizing shop at sa katabing bahay.

Muntikan pang maipit sa sasakyan ang isang limang buwang apo pero buti na lamang at nakuha agad ang bata.

Humingi na ng paumanhin ang guro at nangakong babayaran ang lahat ng mga nasirang kagamitan at ipapaayos ang nasirang bahay.

Pumayag naman ang pamilya at hindi na magsasampa ng kaso laban sa guro.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.