Sunog, sumiklab sa Litex Market

ABS-CBN News

Posted at Oct 16 2018 03:16 AM | Updated as of Oct 16 2018 05:57 AM

MAYNILA (2nd UPDATE) - Nasunog ang nasa 20 bahay sa likod ng Litex Market sa Quezon City Martes ng madaling-araw.

Mabilis kumalat ang apoy dahil dikit-dikit at gawa sa light materials ang mga bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog pasado alas-2 ng madaling-araw. Naapula ito ng mga bumbero matapos ang isang oras.

Posibleng nilalarong lighter umano ang sanhi ng sunog.

Wala namang nasaktan sa sunog na umabot sa ikalawang alarma. Tinatayang aabot sa P300,000 ang pinsalang dulot ng sunog. 

Nasa 45 pamilya naman ang nawalan ng tirahan sa insidente. - ulat ni Jeck Batallones at Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.