SAPUL SA DASHCAM: Trak, inararo ang 6 na sasakyan sa Antipolo; 19 katao sugatan

ABS-CBN News

Posted at Oct 16 2018 04:43 AM

Watch more in iWantTFC

Video mula sa Zheam Graphic Solutions

MAYNILA - Sugatan ang nasa 19 katao matapos araruhin ng trak ang ilang sasakyan sa Sumulong Highway sa Barangay Mambugan, Antipolo City Lunes ng tanghali.

Ayon kay PO3 Christian Duazo ng Antipolo Police Community Precinct 1, 4 na van, isang tricycle, at isang pampasaherong jeep ang napinsala dahil sa trak na nawalan umano ng preno.

Kuwento ng isang pasahero ng jeep, napansin nilang bumubusina at mabilis ang takbo ng trak na dahilan para maglabasan ang ibang pasahero.

Dagdag pa niya, nabangga ang jeep sa kaliwa nitong bahagi at sumadsad sa isang malapit na kanal.

Pinauwi naman mula sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina ang mga biktima, maliban sa 3 malubhang nasugatan, kabilang ang drayber ng jeep.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injury at multiple damage to property ang drayber ng trak. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.