Inhenyerong maghahain sana ng kandidatura, inatake sa puso

ABS-CBN News

Posted at Oct 16 2018 05:30 PM

Nasa mabuting lagay na ang isang lalaking maghahain sana ng kaniyang kandidatura sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila matapos atakihin sa puso nitong Martes.

Ayon sa mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority Rescue, nasa elevator ng Palacio del Gobernador ang 61 anyos na si Romeo Rodriguez nang atakihin siya sa puso.

Magsusumite sana ng certificate of candidacy sa pagkasenador si Rodriguez, isang mechanical engineer mula San Fernando, Pampanga.

Pero "stable" o pumirmi na ang vital signs ni Rodriguez, na isinugod sa Manila Medical Center.

--Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.