Dating pulis, patay sa pamamaril sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Oct 16 2018 05:40 AM

MAYNILA - Patay ang isang retiradong pulis matapos siyang pagbabarilin sa Wagas St., Tondo, Maynila. 

Ayaw pang pangalanan ng Homicide Division ng Manila Police District (MPD) ang biktima dahil patuloy pa ang imbestigasyon. 

Base sa paunang ulat, nakatambay lang ang biktima sa daan nang biglang lumapit ang salarin at pinagbabaril ito.

Dinala agad sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay. Palaisipan pa sa mga pulis ang motibo sa pamamaslang. - ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.