ALAMIN: Itinakdang SRP sa ilang Noche Buena products

ABS-CBN News

Posted at Oct 16 2018 07:55 PM

Watch more in iWantTFC

Naglabas na ng suggested retail price (SRP) ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa ilang Noche Buena products nasa dalawang buwan bago ang naturang okasyon. 

Narito ang dapat na presyo ng mga Noche Buena products:

  • Hamon → P137 hanggang P800 
  • Queso de Bola → P169 hanggang P495 
  • Spaghetti noodles → Higit P20
  • Spaghetti sauce → P22 hanggang P80
  • Keso → P48.50 hanggang P265
  • Sandwich spread → P20.25 hanggang P205.80
  • Mayonnaise → P28 hanggang P283
  • Elbow macaroni → P15.25 hanggang P92.75
  • Tomato sauce → P12.25 hanggang P81.05
  • Creamer → P46.50 hanggang P69

Ayon kay Trade undersecretary Ruth Castelo, bagama't may ilang produkto na tumaas ang presyo ay dama rin daw ang pagbaba ng presyo ng ilang brand. 

"Mayroong mga tumaas, marami rin na bumaba...Gusto nilang mas maraming bumili sa kanila kaya ibababa nila 'yung presyo so liliitan nila 'yung profit margin nila," paliwanag ni Castelo. 

Sa pag-iikot naman ng DTI sa Taguig People's Market, nadiskubre ang dalawang kaso ng overpricing at hindi paglalagay ng price tag sa kanilang mga paninda. 

Overpriced umano ang manok na nasa P150 hanggang P160 sa halip na P120 lang na SRP. 

Ayon sa DTI, paraan ang mga ito ng "profiteering" na ipinagbabawal sa Price Act at maaaring pagmultahin ng hanggang P2 milyon ang lalabag dito. 

--Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.