Bukod sa mga kagat ng langgam, pinaniniwalaang matagal nang nababad sa init ang sanggol dahil nakitaan na siya ng sunburn. Larawan mula sa Macasandig Police Station
CAGAYAN DE ORO CITY - Halos nabalot ng langgam ang buong katawan ng isang sanggol na lalaki nang matagpuan ito sa isang damuhan at masukal na lugar sa Barangay Indahag, Linggo ng tanghali.
Sa report ng Macasandig Police, dalawang concerned citizen ang nakakita sa sanggol at agad na dinala sa kanilang tanggapan.
Tinatayang nasa apat na buwan ang sanggol.
Ayon kay PO3 Rowelyn Doong ng Women and Children Protection Desk (WCPD), agad silang tumawag sa City Social Welfare Department (CSWD) at Oro Rescue para malapatan ng first aid ang sanggol na napuno ng kagat ng langgam.
Dagdag ni Doong, posibleng matagal nang nababad sa init ng araw ang bata dahil nakitaan na ito ng sunburn. Dinala sa ospital ang bata upang magamot.
Ayon kay Assistant CSWD officer Nida Paña, nasa maayos na nakalagayan na ang batang may timbang na 7.6 kilo. Nasa pangangalaga na siya ng Regional Reception and Study Center for Children ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) regional office.
Kinonsidera ngayon na foundling at abandoned ang bata.
Nananawagan ngayon ang CSWD sa mga kaanak ng bata na dumulog sa kanilang opisina o kaya tumawag sa kanilang hotline number na 09171290632.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
baby, inabandonang sanggol, cagayan de oro, crime, tagalog news, Bandila, DZMM, Teleradyo