Empleyado ng gobyerno sa La Union, patay sa pamamaril

Teomar Bautista, ABS-CBN News

Posted at Oct 16 2017 05:22 PM | Updated as of Oct 17 2017 05:56 PM

LA UNION - Patay sa pamamaril ang isang empleyado ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa La Union Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Mila San Juan.

Pagkababa nito sa jeep galing trabaho sa Barangay Paringao sa Bauang, binaril ito ng mga nakamotorsiklong gunman.

Nagtamo si San Juan ng isang tama ng bala sa likod mula sa kalibre 45 na baril.

Administrative officer sa TESDA La Union si San Juan. Mahigpit man sa trabaho, mabait at maasahan ito ayon sa kanyang mga kasamahan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Bagama't hindi pa tukoy ang gunman, nasa kustodiya naman ng mga pulis ang dalawang testigo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.