1 patay, 1 sugatan sa bangaan ng truck at motorsiklo sa Ilocos Norte

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Oct 16 2017 05:20 PM | Updated as of Oct 16 2017 06:53 PM

ILOCOS NORTE – Dead on the spot ang isang lalaki at sugatan naman ang kasama nito matapos bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang trak noong Biyernes.

Kinilala ang mga biktima na sina Luis Macayanan, 43 taong gulang at driver ng motorsiklo at sakay nito na si Arnel Andag, 33 taong gulang.

Ayon sa pulisya, mabilis ang patakbo ng motorsiklo habang papasok sa one lane sa ginagawang kalsada sa Barangay Gabut Norte, Badoc, Ilocos Norte kaya nawalan ito ng control sa manibela at bumangga ito gilid ng nakahintong trak sa gilid ng kalsada.

Sa lakas ng impact, lumabas ang utak ng driver at naputol ang isang paa. 

Naputol din ang isang paa ng backrider na nagpapagaling na sa ospital.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakainom ang mga nakasakay sa motorsiklo.

Naareglo naman na ang nasabing insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.