PatrolPH

Van sumalpok sa mga concrete barrier sa EDSA-Ortigas

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2021 06:57 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Pansamantalang hindi nadaanan ang northbound lane ng EDSA Ortigas Biyernes ng hatinggabi matapos sumalpok ang isang van sa hilera ng mga concrete barrier.

Kuwento ng driver ng van na si Roberto Espiritu, pupunta sana siya at ang kaniyang kasama sa Balintawak para maagang makapamili ng gulay pero nakaidlip siya habang binabaybay ang EDSA. 

Doon tumama ang minamanehog van sa mga concrete barrier paakyat ng flyover. Sa lakas ng pagkakabangga ay pumailalim pa ang mga plastic barrier sa kaniyang van habang may mga nasira ring concrete barriers.

Masuwerteng hindi na sugatan si Espiritu at kaniyang kasamahan.
 
Pasado hatinggabi nang maalis ang nakahambalang na sasakyan at nalinis ang mga nagkalat na barrier.

Ilang beses na nagkaroon insidente ng pagtama ng mga sasakyan sa mga concrete barrier sa EDSA. — Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.