PatrolPH

Sundalo, babae tiklo matapos mahulihan umano ng P1.8-M halaga ng marijuana sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2021 07:14 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Isang sundalo at isang babae ang inaresto matapos mahulihan ng P1.8 milyong halaga umano ng marijuana sa isang buy-bust operation sa Taguig City nitong Miyerkoles.

Nangyari ang transaksyon sa Barangay New Lower Bicutan sa C-6 Road kung saan nasa 15 kilo ng hinihinalang marijuana ang nasabat mula sa dalawa, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Sa ulat ng PDEA-NCR, ang naturang sundalo ay 34-anyos na active personnel ng Philippine Army.

Pareho silang mga residente ng Bayombog, Nueva Vizcaya.

Iniimbestigahan pa kung saan galing ang kanilang suplay at sino-sino ang kanilang mga parokyano.

Kasong pagbebenta ng ilegal na droga ang isasampa sa kanila. — Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.