Pagawaan ng Santa, Christmas decors tampok sa Angono

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2021 09:11 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Ngayong papalapit na ang Christmas season, tampok ang isang pagawaan ng Santa Claus at iba pang decorations na matatagpuan sa tinaguriang art capital ng bansa sa Angono, Rizal.

Matatagpuan ang naturang pagawaang kilala sa pangalang Bahay ni Santa sa Barangay San Vicente.

Dinadayo ang lugar dahil sa mas murang halaga ibinebenta ang mga dekorasyon pang Pasko.

Ang maliit na Santa figurin ay naglalaro sa P50 kada piraso. May iba’t ibang size din ito na nasa P2,500 hanggang P5,000 ang presyo.

<link>
Ilang negosyo umapelang taasan ang operating capacity sa Alert Level 3

Bukod sa mga Santa, may iba pang dekorasyon tulad ng Belen at elves na mabibili sa lugar. 

—TeleRadyo 15 Oktubre 2021