PatrolPH

Lingkod Kapamilya: Mga magsasakang nasalanta ng 'Maring' sa La Union tinulungan

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2021 08:47 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Bentahan na sana ng palay ng mga taga-Barangay Soyu, pero balik sa pagpapatuyo ng ani si Domingo Giron, matapos mababad nang 3 araw sa tubig ang kaniyang pananim dahil sa bagyong "Maring." 

"Wala rin kaming natulugan. Wala namang taas 'yung bahay namin kaya wala rin kaming mapaglagyan sa bahay," ani Giron. 

Nangangamba rin si Giron na hindi rin maibenta ang palay kapag natuyo dahil sa hindi magandang kalidad nito. 

Dahil dito, nag-aalala siyang hindi mabayaran ang perang inutang para sa pagtatanim ng palay. 

Nalubog din sa baha ang bagong aning palay ni Juanita Vargan. Hindi niya inaasahang malaki ang perwisyong dala ng bagyo sa kanilang kabuhayan. 

"Several years naman talaga, hindi kami inaabot ng ganitong kataas, kaya hindi namin ine-expect na aabutin talaga [ng bagyo]," ani Vargan. 

Dala sa kanila ng Sagip Kapamilya ng ABS-CBN Foundation ang relief packs at hygiene kits para sa 500 pamilya. 

Narating din ng Sagip Kapamilya ang Barangay Busel-Busel para maghatid ng tulong. 

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.