Mga barko sa Batangas Port balik byahe na

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2020 12:21 PM

MAYNILA - Nagbabalik na ang biyahe ng mga barko sa Batangas Port matapos masuspinde dahil sa bagyong Ofel.

Ayon kay Lito Castro, head ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, alas-8 ng umaga nang payagan muli ang biyahe ng mga barko patungong Mindoro Provinces at Romblon.

Miyerkoles nang kanselahin ang biyahe ng mga barko sa pantalan, dahilan para ma-stranded ang daan-daang mga pasahero. 

Ilan sa mga na-stranded ay mga nawalan ng trabaho sa Maynila na nagdesisyong umuwi na lamang sa probinsiya. 

Sa tala ng Batangas Port, 319 na mga truck at 16 na mga private vehicles ang naistranded simula Miyerkoles.

Katumbas nyan ang 771 na mga drayber at pahinante.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.