Land surveying office sa Quezon City, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2020 05:52 AM

MAYNILA - Natupok ang isang commercial area sa Philand Driver Brgy. Pasong Tamo, Quezon City nitong Huwebes.

Batay sa paunang ulat ng BFP, opisina ng isang land surveying company ang nasunog.

Ayon kay Darmo Autor, stay-in na empleyado ng opisina, natutulog sila ng kaniyang mga kasamahan nang gisingin sila ng gwardiya dahil nasusunog na ang isang kwarto nila alas 2:30 ng madaling araw.

Under construction ang nasabing kwarto dahil gagawin itong karagdagang barracks ng mga empleyado.

Mabilis na kumalat ang apoy sa iba pang bahagi ng opisina. 

Itinaas sa unang alarma ang sunog bago idineklarang fire under control mag-aalas 5 ng umaga.

Iniimbestigahan pa ang posibleng pinagmulan ng sunog habang inaalam pa ang kabuuang halaga ng mga nasira.--Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.