Isa patay sa landslide sa Hermosa, Bataan

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2020 05:25 PM

Photo courtesy of Hermosa Fire Station 

Kasagsagan ng pag-ulan nitong Lunes ng umaga nang gumuho ang ilang bahagi ng lupa sa Barangay Sto. Cristo, Hermosa, Bataan. 

Natabunan nang buhay ang hindi pa nakikilalang lalaki na tinatayang nasa edad 40 pataas.

Sa pakikipagtulungan ng Hermosa Fire Station, Balanga City at Dinalupihan Fire Station, Hermosa MDRRMO, Hermosa Marshals, at Hermosa Municipal Police Station, nakuha ang bangkay ng lalaki nitong Martes ng hapon.

Patuloy pa ring inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng lalaki at kung paano ito nabaon sa landslide.

Photo courtesy of Hermosa Fire Station

- Ulat ni Gracie Razon Rutao