'Police asset,' 6 iba pa tiklo sa droga sa QC

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2019 04:36 AM

MAYNILA—Timbog ang 7 katao, kabilang ang isa umanong police asset, sa operasyon kontra droga sa Barangay Payatas, Quezon City sa magdamag.

Unang nahuli ang 2 lalaki kung saan isa ang nagpakilalang asset ng pulisya.

Giit ng suspek na security guard, tinaniman lang sila ng shabu.

Ang pangalawa namang nahuli ay dati nang may kaso dahil sa ilegal na pagmamay-ari ng baril. 

Bukod sa mga pakete ng shabu, nakuhanan din siya ng sumpak. Huli rin ang kaniyang kasamahan.

Sa pangatlong operasyon, 3 ang arestado, kabilang ang isang manghihilot, na umaming gumamit umano ng droga.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.