Lalaki patay nang mahulog sa riles ng MRT

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2019 03:03 PM

MAYNILA - Patay ang isang lalaking palaboy matapos umakyat at mahulog sa riles ng MRT-3 sa pagitan ng Ayala at Buendia stations sa Makati nitong Martes.

Ayon sa pamunuan ng MRT, namatay ito dahil sa pagkahulog at hindi nasagasaan ng tren.

Pansamantalang nagpatupad ng provisional operations ang MRT mula Shaw hanggang North Avenue.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.