Dahil sa kakulangan sa tubig, state of calamity idineklara sa Bohol

Annie Perez, ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2019 05:50 PM | Updated as of Oct 16 2019 01:24 AM

Natutuyo na ang ilang mga dam na pinagkukunan ng patubig ng mga palayan sa Bohol.

Nagdeklara na ng state of calamity ang lokal na pamahalaan sa Bohol dahil sa kakulangan sa supply ng tubig.

Sa pagdeklara ng state of calamity Martes ng hapon, magagamit na quick response fund na aabot ng nasa P200 milyon.

Umabot na sa mahigit kumulang P200 milyon ang danyos sa agrikultura dahil sa matinding init ng araw. Natuyo at kaunti na lang ang tubig sa mga dam na siyang patubig sana sa mga palayan at iba pang taniman sa Bohol.

Watch more in iWant or TFC.tv

Iilan sa mga magsasaka ay pinilit na anihin ang kanilang mga tanim noong Hulyo dahil pangit na ang ani nito at para hindi ito masayang. Marami sa mga palay ang nasunog din.

Planong magsagawa ng cash for work project ang lokal na pamahalaan ng Bohol at bibili din ng tubig para sa mga natitirang palayan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.