7 bangkay, nagtagpuan sa bangin sa Benguet

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2019 06:04 PM

BAGUIO CITY – Pitong bangkay ang natagpuan ng awtoridad sa bangin sa Poyopoy Taloy Sur sa bayan ng Tuba sa Benguet, Martes ng hapon.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng ulat na may masangsang na amoy na nanggagaling sa bangin sa national road.

Nang kanilang suriin, nakita sa bangin na may lalim na 30-metro ang apat na naaagnas na mga bangkay at dalawang kalansay.

Kasalukuyan pang iniaahon ang ika-pitong bangkay mula sa banging.

Hinala ng mga pulisya na itinapon lang ang mga bangkay sa lugar.

Isasailalim sa awtopsiya ang mga bangkay para malaman kung ano ang sanhi ng kanilang pagkamatay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.