Negosyante, patay sa pamamaril sa Zamboanga City

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2018 03:49 PM

ZAMBOANGA CITY - Patay sa pamamaril ang isang negosyante sa Ledesma Drive, Baliwasan Grande sa lungsod na ito Linggo ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Jaber Lumintad, 42 taong gulang at may-ari ng isang malaking sari-sari store.

Ayon sa tagapagsalita ng Zamboanga City Police Office na si Senior Inspector Shellamie Chang, may bibisitahin dapat ang biktima nang biglang may dumating na 2 lalaking sakay sa motorsiklo at pinagbabaril ito.

Binaril sa ulo at leeg si Lumintad.

May naaresto na ang pulisya na 2 lalaki na may dalang baril ngunit hindi pa makumpirma kung sila ang sangkot sa krimen.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.