Fariñas magreretiro na; mga anak, muling sasabak sa politika

Grace Alba, ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2018 10:06 PM

Sinamahan ni Rep. Rudy Fariñas ang kaniyang mga anak para maghain ng kani-kanilang certificate of candidacy. Grace Alba, ABS-CBN News

Naghain ng kandidatura nitong Lunes ng hapon sa pagka-kongresista sa unang distrito sa Ilocos Norte ang anak ni Rep. Rudy Fariñas na si Provincial Board Member Ria Fariñas. 

Tatakbo rin sa posisyon ng board member ang bunsong kapatid nito na si Rodolfo Christian Fariñas III. 

Ang batang Fariñas ay tumakbo bilang kapitan ng isang barangay sa Bacarra, Ilocos Norte nitong katatapos lang na Barangay at Sangguniang Elections pero natalo ito.

Sinamahan sila ng kanila ama sa kanilang paghahain ng kandidatura sa Provincial Comelec Offce. 

Ayon kay Rep. Fariñas, magre-retiro na siya sa pulitika pero kung guguluhin daw ang laban ng kanyang anak na si Ria sa unang distrito ay hindi malayong tatakbo siya sa pagka-gobernador ng Ilocos Norte. 

"Kung guguluhin nila si Ria ay baka tumakbo akong governor," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.