Binatilyo, patay nang tamaan ng kidlat

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2018 03:49 PM | Updated as of Oct 15 2018 03:50 PM

PONTEVEDRA, Negros Occidental - Patay ang isang 13 anyos na lalaki matapos tamaan ng kidlat habang nasa isang beach resort Linggo ng hapon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, kasama ng biktimang si Leonard Deles ang kaniyang pamilya.

Nasa isang cottage ang biktima nang tamaan ng kidlat ang bubong ng cottage.

Bukod kay Deles, natamaan din ng kidlat ang limang taong gulang na si Juliana Detablan at ang 46 taong gulang na si Job Deles.

Isinugod silang tatlo sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival sa ospital si Leonard.

Kasalukuyan namang ginagamot sa ospital ang dalawa pang biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.