2 patay sa pananaksak sa Iloilo City

Regi Adosto, ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2019 10:00 PM | Updated as of Jul 08 2019 07:54 PM

ILOILO CITY - Dalawang pedicab driver ang namatay sa pananaksak sa Barangay M.H. Del Pilar sa Jaro, Iloilo City Sabado ng hapon.

Nakunan sa CCTV ang paghampas ng bote at pagsaksak ni Emmanuel Andrade, 58 anyos, kay Arnold Hortillo.

Watch more in iWantTFC

Nagtangkang tumakas si Andrade pero hinabol ng mga kapatid ni Hortillo at pinagsasaksak din.

Kapwa namatay sa mga tinamong saksak sina Andrade at Hortillo.

Kasalukuyan namang nakakulong ang kapatid ng isa sa mga biktima na si Rodrigo Hortillo. Pinaghahanap pa ng pulisya ang isa pa nilang kapatid na si Christy Hortillo na siyang nakapatay kay Andrade.

Base sa imbestigasyon, walang pinag-awayan ang dalawang biktima pero lasing si Andrade na siyang naunang nanghampas ng bote at nanaksak.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong murder laban kay Rodrigo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.