Truck at apat na AUV, nagkarambola sa Edsa

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2017 08:07 AM

MANILA - Nagsikip ang daloy ng trapiko sa may southbound lane ng EDSA-Magallanes flyover matapos magkarambola ng isang truck at apat na AUV pasado 5:00 AM ng Linggo.

Ayon sa MMDA Papunta sana ng Parañaque ang truck na minamaneho ni Lizandro Quezada nang mag-slide umano ang gulong nito.

Hindi agad nakapagpreno ang truck kaya bumangga ito sa apat na nakaconvoy na mga AUV na papunta sana ng Kabayan Hotel sa Pasay.

Wala namang naitalang sugatan sa aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.