PANOORIN: Roxas Boulevard nagkalubak-lubak matapos ang mga pag-ulan

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2017 06:10 PM

MANILA - Sinalubong ng malalalim na lubak na iniwan ng pag-ulan nitong mga nagdaang araw ang mga motoristang bumaybay sa Roxas Boulevard northbound sa Pasay, Linggo. 

Mula sa pagbaba sa Buendia Flyover hanggang bago mag-Vito Cruz Street, mistulang umaalon-alon ang mga sasakyang dumaraan dito dahil sa hindi pantay na kalsada. 

Matatandaang binakbak ang aspalto ng Roxas Boulevard para mapalitadahan ng bagong asphalt overlay. 

Nagkalubak-lubak ang daan nang maiwang nakatiwangwang ngayong weekend at nagkaroon pa ng malalakas na ulang dulot ng Bagyong Odette. 

Nitong Linggo ng umaga, nagsimula ng umaraw kaya natuyo na at naging maalikabok ang kalsada. -- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.